Bata pa ako, lagi na lang sinisiksik ng nanay ko ang mga pagkain na
#1 on my list is Kalabasa. As in Vitamin A~ pampalinaw ng mata.
"Tingnan mo si Perla Adea, ang ganda ng mata, kasi kumakain sya ng kalabasa!" ~My Mom
#2 Pag inom ng hilaw na itlog gabi gabi. I friggin hated it. Pero, payatut talaga ako noon, at ang goal ni mudra eh patabain ako ng konti with protein ek ek. Saan ka nakakita ng batang nakababad mag damag sa lababo na puno ng tubig at doon sine serve ang pag kain nya gawa sa binola bolang kanin at pritong itlog (sunog ang puti, hilaw ang pula) araw araw? As in everyday. Pramis. Pahirap ba ako sa magulang ko?
#3. Whole milk every morning. Yuck. Salamat na lang at nag karoon ako ng lactose intolerance. Nawawala lang ang allergy na yon, pag me craving ako ng ice cream. Di ba!
#4 Fishda~ oh my freaking gulay. I am not a big fan of fish. Balat lang ang kinakain ko sa isda. (ang arte ko noh!)
#5 Vitamins (yung capsule na colorless at kita laman...tawag ata doon cod liver oil)~ in different sizes and form and lots of bad after taste~ Di ko alam bat ganun si mudra. Pag bata ka, sunod ka na lang ng sunod, para wala ng gulo at palo.
SO now, nasa edad na ako na wala ng ibang minomonitor kundi ang retirement. Naalala ko si nanay at mga pag kaing binibigay nya sa akin. Hindi ko pa din naman nakakalimutan pa. In fact, favorite ko lahat ang mga food na pinag tulakan nyang ibigay sa akin noon. Hinahanap hanap ko pa. Ngayon, tuwing pupunta ako ng asian store, tinitingnan ko palagi ang kalabasa kung ok ang pag kakahinog nya, at isasama ko sa pagluto ko ng pakbet or gisadong giniling lang na may kalabasa. Ang itlog naman, lagi ko ring sinasama sa mga niluluto kong pansit o di kaya Arroz a la Cubana. Gusto ko pa din sa isda ay pinirito. Tapos isasawsaw sa maanghang na suka na may dinikdik na bawang. Shemps pa, palagi pa den akong nag va-vitamin. Centrum at Omega 3 (yung me aftertaste na isda!ewwww). bwehehehehehehe
Salamat Nanay,sa magaling mong pang uuto sa akin. Nagsilbing malaking tulong ang lahat ng masusustansyang pagkain na pinilit nyong ipakain sa akin. Dahil at my age,
My Bouillabaisse life~
"Soup and fish explain half the emotions of human life."
No comments:
Post a Comment