Tawagin natin sya sa pangalan na Misty.
Misty Liling po ang buong pangalan nya. Sya po ay labing- siyam na taong gulang ang pag iisip, pitumpu't dalawang taong gulang ang hinanakit sa buhay ( times 3 o pagka minsan ay times 4 ang nadadagdag sa original nyang edad sa kakaisip sa problema) pero sa aking kaalaman, sya po ay nasa edad na lagpas na sa kalendaryo pero patok pa rin sa lotto.
Dumating sa opisina ko noong isang araw si Misty at luhaan. Ni halos makapag bigkas ng buong salita ang kaawa awang babae. Palibhasa, makailang beses na rin syang bigo sa mga nakaraan nyang "relationship," pagkatapos ay heto na naman at panibago na namang problema ang ihaharap nya sa akin. "Madam, (hikbi, nasisinok na sa kakaiyak), hin (hik) di ko na kaya ito" Ano ba itong nangyayari sa akin. Sabay sabay na dagok sa dibdib itong nararanasan ko. "
(potek, talagang paying attention na talaga ang nag babasa!).
teka antok na ang author ng komiks. Ipagpatuloy na lang po natin ito sa susunod na pag gising ng diwa ko. Antok na ako eh. Bukas naman uli...maganda ang storya ni Misty eh.
BTW, Thank you very much for Sharon (Hairmonix) for my hair and make up. I would also like to thank a very good friend of mine, Mr Lee, for providing me fictional names for my story. Kung hindi dahil sa yo....na masugid kong taga subaybay....wala akong "SUPPLIES!"
Tuesday, August 23, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment