Wednesday, August 24, 2005

The Misadventure of Misty Liling (Par Deux)

(sa madaling sabi, heto na naman ako at ready to strike my keyboard...la pang pasyente eh!)
Ang nakaraan:
(Basahin kaya ang sa baba nitong post ko...ng hindi na ako mag kwento pa!)
Napagtigil ako sa aking ginagawa ( flipping the chart pretending to be busy kuno). At hinarap ang aking sekretarya. Hinintay kong humupa ang kanyang iyak. Wala naman akong magawa. Sadyang matigas ang ulo ni Misty pag dating sa tinatawag na PAG IBIG.
Ilang beses ko na rin nabanggit sa kanya na kaiingat na sya sa pag pili ng makakasama nya sa buhay. Pero sadyang sabik din sya sa pag kalinga ng tao na talagang magpapaligaya at magiging tapat sa kanya.
"Ma'm Jen, kahit naman po ang mga kaibigan nya ay nagsasabing mabait si Corey eh. Tinanong ko ang isa nyang kasamahan sa trabaho, mabait ang personalidad nya at talaga namang matulungin. Ang hindi ko lang talaga malaman kung bakit hinayaan nyang mahulog ang loob ng babaeng yon." "Nakita ko sa mga text messages nya, na nag papaalam pa sya sa babae kung anong gagawin nya at me kasama pang "MUAH" or "TSUP!" Pati ang pasakit ng likod nya, ang pag alala kung kumain na ang isa't isa ay hindi nila nakakalimutan sa mga text or YM messages nila. Kahit sa madaling araw, bumabangon pa ang babae at nag la log in para lang makapag usap sila. Tama ba yun??

Nakatingin pa rin ako sa malayo, gusto ng bumukas ng bibig ko at sabihing "argh" pero hindi ko magawa. Mahirap nga namang isipin at nakakasakit ng dibdib.
Isa ako sa mga saksi ng ikinasal si Misty at Corey sa huwes. Ala Vegas style pa nga sa bilis ng kasal eh. Tipong napa talikod lang ako sandali at napabahin, pag harap ko, KASAL na sila. Potaena, where is da piktyur!?

Niyakap ko na lamang si Misty. Lalong bumunghalit ang kanyang iyak (patay! basa na sa sipon at luha ang see-thru top ko!). Inabot ko sa kanya ang Kleenex Box, at umupo sa harapan nya. Tama na yan. Alam kong mahirap isipin ang mga bagay na yan. Huwag ka na lang mag dwell sa situation. Kasi the more you think about it, the more na maiinis ka lang sa sarili mo at sa kanya. Huwag ka na rin mag isip ng masama sa pag uusap ng dalawa. Hayaan mo munang linawin ang sitwasyon, at makinig ka rin sa irarason nya kung bakit nakarating sa ganoong pag uusap sila nang babaeng yon. Hindi siya kumibo. Bagama't yun ang naka pag pa ampat ng konti sa kanyang malakas na palahaw.

" Huwag kang mag alala Ma'm Jen. Hindi pa rin naman ni minsan nasira ang mga trabaho ko. Gusto ko lang i verbalize itong nangyaring ito sa amin. Sana nga hindi totoo ang hinala ko. Pero, ewan ko ba....sadya atang nawala na ang tiwala ko sa kanya. Natatakot akong hindi ko na maibalik pa ang normalcy sa relationship namin.Laging nasasaisip ko ang tanong na "BAKIT?"

Huwag mo munang isipin ang mga nangyayaring ito, Misty. Maaaring napag isip isip rin ni Cory ang mga ginawa nya, at mag kakaliwanagan kayo. Balang araw, mapapatawad mo rin sya, pero alam kong hindi mo pa makakalimutan ang situasyon na ito.
It takes time Misty, it takes long $#*Q$&)Q$)Q time....but you'll get there.

(itutuloy)




1 comment:

Anonymous said...

LANGYA NAMAN TALAGA! NALOLOKA AKO KAY MISTY. SABIHIN MO KAY MISTY VALIUM LANG SAGOT DYAN! IMAGINE PINABASA MO SA AKIN TONG BUONG BLOG NA ITO?!!!! GANDA GANDAHAN MO ANG STORY KUNG NDI PUNTAHAN KITA DYAN SA TEXAS PARA SABUNUTAN. I'LL KEEP AN EYE ON THIS BLOG... WATCH OUT!!!