Ilang araw na palang sumasakit ang ulo ko at hindi ko matiyak kung ano ang dahilan nito.
Ipagpaumanhin ninyo mga giliw kong taga pag basa ng aking panunulat. Sa dahilang nakakapagod din namang mag muni muni ng salitang banyagang iaangkop ko sa aking talataan. Sa totoo lamang, nakakapagod ring mag isip sa trabaho, lalo na at ang iyong mga kasama ay ibang lahi at walang isa mang nagsasalita ng sarili mong wika. Pagkaminsan, kailangan ko ng katinuan ng utak, tinatawagan ko ang aking kabiyak, at pag nag uusap kami sa sarili naming wika, hinahamak ako at sila raw ay nag mimistulang tanga sa dahilang hindi nila maintindihan ang aking minumutawi.
Tangna naman! Kasalanan ko ba kung iisang lenggwahe lang ang nalalaman niyo. Kita nyo na ngang dugong dugo na ang ilong ko sa pakikisama sa inyo, at heto kayo, kukumustahin ko lang ang aking kabiyak, nag mistula na kayong mga kampon ni Hitler.
arrrrgh (marikit na bersyon!)....
Pangalawang araw ko ng pamamahinga, at ano itong aking pinag kakausyosohan. Walang humpay na pag babasa ng iba't ibang panulat sa "internet!" Nakakapanibago at nakakagalak, lalo pa't ang pananalita'y angkop sa masayahing bayotin. Ako ay naaliw, at aking sinubaybayan ang lahat ng kanyang mga talata at mga kakaibang balitaktakan mula sa kanyang mga tagapag subaybay. Kung tutuusin, halos hindi na ako nakapag pahinga sapagkat, iyon lamang bukod tanging ginawa ko mula pag kagising ko kagabi.
Marami pa akong dapat na subaybayang anekdota ng iba't ibang tagapag sulat.
Mawalang galang lamang po, subalit ika labing dalawa na ng tanghali, at ito'y oras na ng aming tanghalian.
Ipag paumanhin lamang po at isasantabi ko muna ito. Sa uulitin. Mabuhay po ang bawat Pilipino. Mahalin ang wikang pambansa.
Pahabol Sulat:
buyoy!
Wednesday, September 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
GULUNG GULO AKO SEYO! hahaha! kabiyak me asawa ka ba? ano beeee!!!! grrrr!!!! hahahaha!
aba tagalog na tagalog, makata ang dating
*kamot ulo* di ba tapos na ang lingo ng wika? ;)
Dyena Jelena,
wag mo kong bistuhin huh! Kabiyak ng pwet pag kaharap, at op kors kavhit shah pag me dumadaang minchang! Aber!
Pussycat!
Haller. Welkam sa aking mundo rito. Hindi mo ba napapansin na kahit ako ay na shock sa sinabi ko. Pati letra sa keybord ko nag kapalit palit. Hindi nya nakilala na akesh yon. So ayun....may I stop sa blogging ako at ako ay jhilong jhilo! I feel the earth move....under my feet! bwehehehehehehe
Post a Comment