Friday, May 26, 2006

Kay Tagal

Hirap matulog ng nag iisa. Palibhasa sinanay na natin ang bawat isa na magkasama palagi. Kakainis nga eh. Kahapon nagpagod tayo sa telebabad...magdamag nag kwentuhan, nag bolahan at nag hanap pa ng ibang makakausap. Di ba, hindi ka rin agad makatulog. Nawala ang antok ko sa dami ng mapapag usapan natin. Eh di napaaga ang pag higa mo ngayon dyan. Mag a alas otso pa lang ng umaga sa oras ko, imbes na nakikipag huntahan ka sa labas, bagsak na ang katawan mo sa "higaan ng pusa!" Natakot ka naman na gisingin ako, sa dahilang naaalala mong nasigawan kita noong minsan na ginising mo ako ng alanganin.
Bakit kaya sa tuwing oras ng pag gising natin, walang katapusang pag hahanap ng bawat isa ang nararamdaman natin? Kulang na talaga ang oras. Hindi ka ba nahihirapan sa pag hintay? Na nasasayang ang bawat oras natin na mag kahiwalay??
Napakatagal.......

No comments: