Tuesday, March 22, 2005

Long Weekend

I can't think of something funny today. Below is an email of a person I know.....masyadong masakit ang dating.....

Long Weekend...............
Posted by Eurydice (Thu Nov 06 2003 @ 04:59AM) views:
Is it okay if I call you mine?
Just for a time...
And I will be just fine
If I know that you know that I'm wanting
Needing your love....
If I ask of you is it all right
If I ask you to hold me tight
Through a cold dark night
Cause there may be a cloudy day in sight
And I need to let you know that I might
Be needing your love...
And what I'm trying to say isn't really new...
It's just the things that happen to me
When I'm reminded of you...
Like when I hear your name,
Or see a place that you've been --
Or see a picture of your grin,
Or pass a house that you've been in,
One time or another.
It sets off something in me I can't explain.
And I can't wait to see you again.
Oh, babe, I love your love...
And what I'm trying to say isn't really new...
It's just the things that happen to me
When I'm reminded of you...

Grabe babes! Long weekend na naman. Wala na atang katapusan ito. Dreaded days ko na ngayon ang tinatawag kong "long weekend." Dati rati, para akong hindi mapakali dahil unbelievable ang off ng 4_days_of_not_moving_a_single_muscle_in_my_bod 'ika nga. Now, its nakakainis_ang_haba_naman_ng off_mo_kelan_ka_babalik_sa_office moments na.

Ano ba itong nangyari sa akin....i haven't been (ever huh)like this in my entire life. Like, hindi mo naman ako nalilibre pa sa favorite fast food na hang out ko, pero bakit iba ang dating mo?

Paano nga ba tayo nag umpisang maging tayo na?

(I'm not going to blame the whole entire fact sa akin).

Eto ang sagot ko: KSP ka at masyado kang papansin, at HELLO!!! napansin kita. Letch na buhay to, sinusundan sundan mo ako na parang asong nakakagat sa saya ko.

Tahimik ang buhay ko ng bigla na lang nag buzz ka sa akin stating "adik!"

Napalingon ako sa likod (ako adik? baka meron pang iba ah....ay! wala na pala).

Sagot ko sa yo (in my own little text challenged ways~ two thumbs huh habang hinahanap ang letra),"AHA! na miss mo ako ano, ano miss mo na naman me.bleeee! buti nga sa yo , uuwi ka na. off pa den ako! Sabay halakhak na parang timang.

Tuloy na naman ang araw kong masagana sa shopping....

6 hours later....bigla ka na namang bumulaga sa msg bin ko.......

O:"wala ka ng pag-asa!"

E:"tungik nag sa sha shop lifting...este shopping ako!" (shet, pati buong word ng shopping nde ko ma spell sa cell phone ko)

O: "miss kita graba!"

E: "ipatunaw mo yang graba, baka me diamond ka pang makikita dyan."

O:sira, miss kita, grabe!"

E: "oh ok! sige na nga miss na din kita,sinabi mo eh! saka na tayo mag usap, nag pa park na ako ng kotse."

At ayun ka nga, patiently waiting for me. Nakakaloka huh. Pero sabi mo, sandali ka lang at "alam mo na......"

Lumipas pa ang madaming araw, wala na tayong ibang tinitingnan kundi ang "orasan" at ang "araw."

Dumating ang sandaling pinaparamdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay mo na sinabi mong "walang kwenta." Ngayon ang lahat sa iyo ay may kabuluhan na...."flowery" ang words na ginagamit mo....pati ang "TOWER" na inaakyat mo everyday ng rounds mo, iba na ang tingin mo. Sabi mo, " I will never look at this tower the same again." At pag nakausap kita, nararamdaman ko ang ambience ng paligid mo....ganoon ka mag describe....parang ang lahat ay "Heaven!"



Pilit mong gustong sabihin ang katagang yaon, subalit ako na mismo ang nag pipigil, sa dahilang, alam naman natin na wala itong kahihinatnan. Pero aray ko! Kumakawala talaga sa dibdib, bro!

Hanggang sa di sinasadyang pangyayari, nasabi mo sa akin na "Mahal na mahal kita." Kung bakit naman kasi itong teleponong hawak ko, walang mute at narinig mo tuloy ang sinabi kong, "you just don't know how much i have loved you." Shet sa earth! (ako ba yon!)

Naramdaman ko kung gaano ka kasaya ng araw na yon. But at the same time, the mere fact na "Opps, long weekend na naman," SUCKS!

So heto ako, can't wait to see you again, tagal ng 3 days ko meng! You just don't know.....Naalala ko tuloy na pinag kwentuhan natin ang mga favorite movies natin (palabas ang isa kasi ngayon eh!), yung tipong super emote talaga sya, nakasakay si "Francesca" sa sasakyan tapos hintay sya ni "Robert" in another car. Tipong ok, make a decision if you really wanted to run off with him. For the umpteenth million time na napanood ko itong "Bridges of Madison County," first time kong humagulgol at kulang ang tissue paper sa luha ko that I have to use paper towel na. Magang maga ang mata ko, deng(Naubusan pa naman ako ng pipino)!



Babes, ang dami nating "restless moments." Hindi ko na nga kaya eh....nasa second level na tayo ng relationship na tipong "walang iwanan at mahal na mahal kita kahit na anong mangyari pa."

Pero sa totoo lang, saan nga ba patutunguhan nito? Ilang minuto na ang nakakaraan ng huli tayong mag usap, filling the gap of what had happened to us during our long weekend, and what will be in store for us this coming days. Hindi ko na maisip, babes. Hindi ko na rin pati maintindihan ang nararamdaman ko. Parang Selecta Ice Cream na "halo-halo." Lahat na lamang ay dinadaan ko sa biro, pero manaka naka'y naririnig mo ang pag iyak ko at naririnig ko rin ang impit mong hikbi. (sabi mo kasi hindi bagay sa isang six footer na kagaya mo ang umiyak). Lalo na sa puntong mapapag usapan natin na "you are very much married and we can't do anything about this." Nasaktan ako ng sinabi mo na "ikaw lang nag papaligaya sa akin, at pag nawala ka, ang mga anak ko na lang ang mapapagkuhanan ko ng sigla." "BABES, alam mo bang mahal na mahal na mahal na mahal kita, at walang katapusan yon!" Hindi ako makasagot, instead, nag flush ako ng inodoro para hindi mo marinig ang palahaw ko. Hindi ko alam kung hanggang saan matatapos ang masarap na bawal na relasyon na ito ....na pag kaminsan ay.....naiisip ko......sana...... "long weekend na!"

No comments: